Breaking News

Puwede pala ikamatay ang Pagtiris sa Tigyawat? Alamin!


Marami ang hindi nakaaalam na ang pagtiris ng tigyawatt sa mukha lalo na sa bandang ilong ay maaaring­ maging dahilan ng kamatayan. Bihira lang itong mangyari pero posible pa rin.


Pinterest Photo


Ang artikulo ko ngayon ay base sa research ni Ourlad Tantengco at mga dalubhasang dermatologists.


Madalas na nakakaranas ng paglabas ng tigyawat ang mga teenager at kadalasang pinuproblema kung paano ito mawawala. Isang masamang kaugalian ang pagtiris ng tagihawat lalo na kung mayroon na itong nana. Ayon sa dermatologists, dapat itong iwasan lalo na kung marumi.


Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga tinitiris na tigyawat, maaari rin itong pagmulan ng impeksiyon na maaaring kumalat sa dugo papunta sa utak. Dahil ang ilong ay nasa “danger triangle”, posibleng makapunta ang mikrobyo sa utak at magdulot ng impeksyon doon.


Kapag marumi ang kamay at pinisa ang tigyawat maaaring pumasok ang mikrobyo mula sa iyong kamay at dahil ang ugat sa mukha ay dumidiretso sa utak, maaaring magdulot ng impeksyon sa utak.


Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pag­kamatay.


Kadalasang makakaranas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod. Kapag nakaranas ng mga ito matapos tirisin ang tigyawat sa mukha lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumunsulta agad sa doktor. Muli, alalahanin na huwag tirisin ang tigyawat hayaan itong gumaling.





Isinulat ni: Dr. Willie T. Ong


No comments