MGA PAGKAING NAKAKAPAGPAPAYAT
SA aking mga dating artikulo, nailathala ko ang 18 pagkaing pampapayat. Ito ang mga dapat kainin ng mga taong nagdi-diyeta dahil bukod sa mababa ito sa calories, masustansya pa ito. Heto ang ating listahan:
1. Gulay at ensalada. Mataas sa fiber ang gulay at nakabubusog.
2. Suha at grapefruit. May taglay na acid na nakababagal ng digestion.
3. Mansanas. May pectin na nakabababa ng kolesterol.
4. Peras. Mas mayaman pa sa fiber kumpara sa mansanas.
5. Itlog. Magandang almusal at nakabubusog.
6. Saging. Masustansya at may tulong sa mga may ulcer at nag-e-ehersisyo.
7. Beans. Mayaman sa protina at bitamina.
8. Suka. Ang pag-inom ng isang basong tubig na may 2 kutsaritang suka bago kumain ay nakapapayat. Mag-ingat lang kung ika’y hyper-acidic.
9. Tofu at tokwa. Mabuti ito sa ating puso at buto.
10. Green tea. Nakababawas ng taba sa atay (fatty liver).
11. Brown rice at wheat bread. Makaiiwas tayo sa diabetes, ayon sa Harvard School of Public Health.
12. High-fiber cereals. Mas healthy sa katawan at nakapapayat din.
13. Matatabang isda tulad ng tilapia, sardinas, mackerel at salmon.
14. Low-fat milk at yogurt. Mas mababa sa taba kumpara sa regular na gatas.
15. Oatmeal. Nakabababa ng kolesterol sa katawan.
16. Manok at turkey na walang balat. Pinakamababa ito sa taba, kumpara sa karne.
17. Laman ng karne pa minsan-minsan. Tanggalin ang lahat ng taba sa kar-neng baboy at baka bago lutuin.
18. Tubig. Ang pag- inom ng tubig bago kuma-in ay nakabubusog. Ang tubig ay walang calories at hindi nakatataba.
isinulat ni: Doc Willie Ong
No comments