PAGKAING NAKAKAPAGPATABA
Heto naman ang listahan ng pitong pagkaing nakatataba na dapat natin limitahan. Ang mga pagkaing ito ay nailathala na nang maraming organisasyon (tulad ng American Heart Association at American Dietetic Association), nutritionists, doktor, researchers at siyentipiko na nakatataba.
1. Pritong pagkain (fried foods) dahil mataas ito sa taba at mantika.
2. Donuts at pastries dahil mataas sa calories at asukal.
3. Candy, chocolate at mga matatamis. Mataas ito sa asukal at calories.
4. Matatamis na juices at soft drinks, dahil mataas ito sa asukal. Uminom na lang ng tubig na walang
calories. Puwede rin ang mainit na tsaa.
5. Potato chips dahil sa sangkap na asin at mantika.
6. Bacon, hot dogs at sausage dahil may halo itong taba at preservatives.
7. Hamburgers dahil mataas sa taba.
Dagdag payo para pumayat: Subukang kumain ng 5 o 6 beses sa isang araw pero pakonti-konti lamang. Ang isang mansanas o saging ay puwedeng meryenda na. Kasama ang regular na pag-eehersisyo, piliin natin ang mga nasabing healthy foods na nakapapayat pa.
isinulat ni: Dr. Willie Ong
No comments