Breaking News

Maaaring Malaman ang Sakit sa Anyo ng Kuko

Maaari mong malaman kung mayroon kang sakit sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong kuko. Narito ang ilang mga kondisyon at ang kaakibat na anyo ng kuko



1. Ang nail clubbing ay nakikita dahil sa low oxygen sa dugo at maaaring senyales ng sakit sa baga, inflammatory bowel disease, sakit sa puso, atay at AIDS.


2. Ang spoon nails o koilonychia ay senyales ng iron deficiency anemia o sakit sa atay na hemochromatosis. Maaari ding dahil sa sakit sa puso at hypothyroidism


3. Ang Beau's lines o mga pahalang na uka sa kuko ay senyales ng diabetes, peripheral vascular disease at mga sakit na may mataas na lagnat tulad ng tigdas, beke at pulmonya.



4. Ang onycholysis ay kondisyon kung saan humihiwalay ang kuko sa nailbed. Maaari itong palatandaan ng sakit sa thyroid o psoriasis.


5. Ang yellow nail syndrome ay maaaring senyales ng sakit sa baga tulad ng chronic bronchitis. Maaaring may kinalaman din ito sa pamamanas ng mga kamay.


6. Ang Terry's nails ay kondisyon kung saan puting-puti ang mga kuko at may kulay pink o pula lang sa dulo ng kuko. Ito ay maaaring dahil sa katandaan o senyales ng sakit sa atay, congestive heart failure, sakit sa bato at diabetes.


Isinulat nila: Dr. Willie Ong and Dr. Lads

No comments