MULA SA MAY-AKDA
Ang Pangkalugan ay isang website na para sa inyo: isang bukal ng impormasyon tungkol sa kalusugan. Ikaw man ay isang bata, binata, o matanda – Taga-Maynila ka man o Taga-Riyadh, narito ang mga sagot sa inyong mga katanungan, hatid ng mga doktor na nagtapos mula sa mga Universidad ng Pilipinas o san man dako ng mundo. Nasaan man at ano man ang inyong kinatatayuan, kayo ay malayang magbasa sa parami at paraming mga artikulo dito tungkol sa mga sakit, sintomas, gamot, at iba pang kaalaman tungkol sa kalusugan. Ang inyong mga sakit at karamdaman ay naka-ayos na sa Mga Sakit A-Z.
Hindi layunin ng mga artikulo ng Pangkalusugan, na humalili sa pagpapakonsulta sa doktor; ito’y isang gabay lamang sa inyong kalusugan. Dahil dito, iniiwasan naming magbigay ng mga detalye tungkol sa gamutan; mas mainam na ang doktor ninyo ang magbigay ng wastong reseta sapagkat ang bawat karamdaman at sitwasyon ay may kanya-kayang pagkakaiba at ang mga pagkakaibang ito ay makikita lamang sa pamamagitan ng eksaminasyon at pagkokonsulta.
Ngunit, marami ring kaalaman na dapat alam ng bawat Pilipino. Hindi lahat ng sakit at karamdaman ang kailangang ikonsulta. Layon rin ng website na ito na ibahagi ang mga kaaalaman upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng kakahayan na magdesisyon at maging bahagi sa sarili niyang kalusugan.
Kung may mga katanungan, klaripisasyon, at mga bagay na nais niyong malinawan o impormasyong nais ninyo bigyang-pansin, kayong inaanyayahan naming makipag-ugnayan sa pag-email sa contact@sab.hua1245@gmail.com
Ang kalusugan ay kayamanan! At ang mga hakbang patungo rito ay ating tatahakin ng may pagkakaisa at pag-asa.

No comments