Breaking News

Alipunga

Ang alipunga o Athlete’s foot, o sa terminolohiyang medikal ay Tinea pedis, ay isang karaniwang sakit sa balat ng paa na dulot ng fungal infection mula sa organismo na Trichophyton. Ang fungi na ito ay madaling dumami sa mga lugar na mainit-init at mamasa-masa na gaya ng sa pagitan ng mga daliri sa paa. Maaaring itong makuha sa mga mamasa-masang lugar gaya ng mga paliguan at shower rooms. Ang sakit na ito ay madaling makahawa at maaring maipasa kung madikit lamang sa balat o bagay na kontaminado ng fungi. Kaya rin tinawag na Athlete’s foot ito ay dahil ang mga atleta o manlalaro na iisa ang pinapagliguan ang madalas magkahawahan nito. Sa terminolohiyang medikal, ang alipunga ay tinatawag na Tinea pedis.

ANO ANG MGA SINTOMAS NG ALIPUNGA?

Ang paa na apektado ng alipunga ay tiyak na makakaranas ng ilang mga kondisyon na talaga namang hindi komportable sa pakiramdam. Ang mga sintomas na maaaring maranasan ay ang mga sumusunod:

  • Pagtutuklap (flaking) ng balat sa talampakan at pagitan ng mga daliri ng paa.
  • Pangangaliskis (scaling) ng balat sa pagitan din ng mga daliri ng paa.
  • Pangangati (itching) sa apektadong paa.
  • Pagsusugat sa makating bahagi ng paa.
  • Pamumula at paghapdi ng apektadong paa.
  • Mabaho ang amoy ng paa.
athletes-foot

KAILAN DAPAT IPATINGIN SA DOKTOR?

Ang malalang kondisyon ng alipunga ay dapat nang ilapit sa dermatologist o sa espesyalista sa mga sakit sa balat. Ito ay lalong dapat nang ilapit sa doktor kung ang paa ay dumaranas na ng matinding pagsusugat at nakaaapekto na sa pang-araw-araw na gawain.

PAANO MAKAIWAS SA PAGKAKAROON NG ALIPUNGA?

Panatilihing malinis ang katawan lalo na ang paa; palaging maghugas ng kamay; at palitan ang mga tuwalya, kumot, at tela sa kama ng regular. Magpalit palagi ng medyas upang makaiwas sa alipunga at iba pang mga sakit sa balat na dulot ng fungi.

ANO ANG GAMOT SA ALIPUNGA?

Gaya ng an-an at buni, ang gamot sa alipunga ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kalimitan, ito’y pinapahid dalawang beses isang araw sa loob ng 1-2 na linggo. Kung hindi tumatalab ang mga fungal cream laban sa alipunga, maaaring magreseta ang dermatologist ng mas matapang na cream o kaya magbigay ng tableta na iniinom.

1 comment: