BENEPISYO NG PAGKAIN NG TALONG
Isa ang talong sa mga paborito nating kainin. Kadalasan na ginagawang torta, inilalaga, isinasahog sa mga pakbit at binagoongan. Maraming benepisyo ang makukuha mula sa pagkain ng talong.
Nakakatulong upang maagapan ang pagkakaroon ng cancer at diabetes. Mayaman ang talong sa vitamin C at manganese na mahusay na panlaban sa mga sakit. Mayaman din ito sa fiber at kaunti ang carbohydrates na na nakakatulong upang makontrol ang blood sugar level ng mga taong may diabetes.
Nakakapagpaganda ng kutis. Dahil ito sa vitamin A at beta carotene na matatagpuan sa gulay na ito
Nakakatulong upang maaayos ang ating pagdumi. Ito ay dahil ang talong ay isa sa mga gulay na mayaman sa dietary fiber
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TALONG?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang talong ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang bunga ay may taglay na trigonelline, choline, vitamins A. B, at C, fat, pati na protina at mga mineral na calcium, phosphorus, at iron.
Makukuhanan din ng stigmasterol, stigmasterol-ß-D-glucoside, ß-sitosterol-ß-D-glucoside, dioscin, protodioscin, at methyl protodioscin. Mayroon pang flavonoids, alkaloids, tannins at steroids.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Bunga. Ang bunga ay maaaring kainin lamang o kayay ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
Ugat. Ang ugat ay karaniwang nilalaga at pinapainom sa may karamdaman.
Dahon. Ang dahon ay maaari namang dikdikin at kuhanan ng katas upang ipainom.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TALONG?
1. Hika. Upang maibsan ang mga sintomas na nararanasan dahil sa hika, maaaring inumin ang pinaglagaan ng ugat ng talong.
2. Syphilis. Ang sakit na syphilis ay maaaring malunasan sa pag-inom ng sabaw mula sa pinaglagaan ng ugat ng talong na hinalo gatas at lugaw. Ang syphilis na nakaaapekto na sa balat ng kamay, maaaring pahiran ng katas ng bunga at dinikdik na dahon ng talong.
3. Sugat. Mainam na ipang hugas sa mga sugat ang pinaglagaan ng ugat at mga tangkay ng talong. Makatutulong ito sa mas mabilis na paghilom.
4. Pananakit ng sikmura. Matutulungan ng pag-inom sa katas ng dahon ng talong ang pananakit sa sikmura.
5. Sore throat. Maiibsan din ng pag-inom sa katas ng dahon ng talong ang iritasyon at pananakit sa lalamunan.
No comments