Breaking News

ANO BA ANG DYSPEPSIA?



Ang dyspepsia ay karaniwang tawag sa sakit ng tiyan dahil hindi natunawan. Ang hindi komportableng pakiramdam at sakit sa itaas na bahagi ng tiyan o sikmura ang isa sa pangunahing sintomas nito. Ang iba pang sintomas ay kabag, pagdighay at iba pa.Kung tutuusin, maaari rin namang hindi ituring na sakit ang dyspepsia dahil ang madalas na dahilan naman nito ay ang ating mga kinakain at iniinom. Kung minsan naman, ang nagiging dahilan ng dyspepsia ay impeksyon o kaya dahil sa pag-inom ng gamot dahil sa iba pang mga sakit na nararamdaman.


Bago mo pa problemahin ang gamot sa dyspepsia na iinumin, alami mo muna kung ano ito. Ano ba ang mga sintomas at sanhi nito? Kadalasang sintomas na nararamdaman ng isang taong may maydsyspepsia ay ang pakiramdam na busog kahit na kaunti lamang ang kinain, o kaya ay kinakabagan. Ang mga kinakain at iniinom ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng dyspepsia. May dalawang paraan para gamutin ang dyspepsia. Ito ay depende kung gaano kalala an discomfort sa tiyan na nararamdaman.


Kapag ang sintomas na nararamdam ay hindi naman malala, puwedeng ang gamot sa dyspepsia ay sa natural lamang na pamamaraan. Ang isa sa mga ito ay baguhin ang mga nakasanayan na. Ang mga pagkain gaya ng matataba at maaanghang ay puwedeng maging sanhi ng dyspepsia. Ang mga inumin na mayroong caffeine, chocolate at alcoholic beverages ay maaari ringmaging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon.


Matulog ng 7 hanggang 8 oras gabi-gabi upang matulungang maging maayos ang indigestion. Ang pag-e- ehersisyo ng tama at hindi paninigarilyo ay makakatulong din para sa maayos na panunaw ng pagkain at maiwasan ang indigestion.




Kapag malala ang sintomas na nararamdaman sa pagkakaroon ng dysopepsia, nararapat lamang na magpatingin na sa doktor. Siya lamang ang puwedeng makapagbigay ng tamang gamot base sa mga sintomas na nararanasan mo o sa mga pagsusuring ginawa niya sa iyo. Ang mga gamot na ito ay tulad ng:


Antacids – Ito ang pangunahing gamot sa dyspepsia. Ito ay dahil sa pagkaing hindi natunaw kaya nagkakaroon ng acid sa tiyan.


H-2-receptor antagonists – Ang ganitong uri ng mga gamot sa dyspepsia ang mas tumatagal ang epekto kaysa sa antacids. Ngunit ang antacids naman ay mas mabilis na nagpapagaling ng acid sa tiyan.


Sa pag-inom ng ganitong uri ng gamot ay puwedeng makaranas ng ilang side-effect gaya ng panghihina, pagsusuka, sakit ng ulo at pagtatae. Kaya naman dapat lamang na kumonsulta sa iyong doktor bago uminom o gumamit ng ganitong klase ng mga gamot.


Proton pump inhibators (PPIs) – Ang ganitong uri ng gamot sa dyspepsia ay mas malakas ang epekto kaysa sa mga unang gamot na nabanggit sa artikulong ito. Kung minsan ang ganitong uri ng mga gamot ay ginagamit ding gamot sa may mga sakit na GERD o gastroesophageal acid relux disease.



Gamot Sa Dyspepsia Na Puwedeng Ireseta O Irekomenda Ng Doktor
  1. Alka-seltzer 
  2. Maalox 
  3. Rolaids 
  4. Roipan 
  5. Mylanta 
  6. Zantax 
  7. Tagamet 
  8. Pepcid 
  9. Axid 
  10. Aciphex 
  11. Nexium 
  12. Prevacid 
  13. Prilosec 
  14. Protanix 
  15. Zegerid 

Mas makabubuting itanong sa iyong doktor ang mga posibleng maging side effects ng ganitong mga uri ng gamot.


Prokinetics – Ang ganitong uri ng gamot ay tumutulong upang maging madali ang pagtunaw ng pagkain. Ang isa sa gamot na ito ay Reglan. Ang mga side effects na puwedeng maranasan sanhi ng pag-inom ng gamot na ito ay ang pagkaramdam ng pagod, depression, hindi makatulog, panghihina at pananakit ng kalamnan.


Antibiotics – Ang H.pylori ang siyang sanhi ng peptic ulcer na nagiging dahilan ng indigestion o hind natunawan. Sa ganitong kondisyon, maaaring magbigay ang doktor ng antibiotic. Ang mga side effects na maaaring maranasan ay ang pagsakit ng tiyan, pagatae at fungal infection.


Antidepressants – Kapag sa kabila ng mga gamot sa dyspepsia na ibingay, ay hindi pa bumubuti ang iyong pakiramdam at wala namang nakikitang dahilan ang doktor na ibang dahilan, maaaring bigyan ka niya ng mas mababang dose ng antidepressants.


Ang antidepressants ay nakatutulong upang mawala ang sakit at hindi komportableng pakiramdam na dulot nito. Ang mga side effects na puwedeng maramdaman sa paggamit ng gamot na ito ay sakit ng ulo, panghihina, hirap sa pagdumi at pamamawis.


Ang karaniwang sanhi ng dyspepsia ay mga nakaugalian nang paraan ng pagkain at mga uri nito gaya ng:


Kung minsan ang ganitong mga sintomas ay dahilan din sa sakit na ulcer.


Kumonsulta agad sa doktor kapag ang mga sintomas na naramdaman ay ganito:





Ang dyspepsia at heartburn, kung minsan, ay parang magkapereho ngunit magkaiba ang ganitong kondisyon. Ang heartburn ay dahilan sa acid reflux kaya ang pakiramdan nito ay parang mainit at masakit sa dibdib at kadalasang nararamdaman ito pagkatapos kumain.


Kung nakagawian mo nang kumain at uminom ng mga nabanggit na maling pagkain at inumin, ngayon na ang tamang panahon para baguhin ito. Narito ang ilang pagkaing puwedeng makatulong sa iyo:

Mga Pagkaing Makakatulong Para Maiwasan Ang Dyspepsia At Indigestion
  1. Mga prutas 
  2. Mga pagkaing may nuts 
  3. Yogurt 
  4. Cereals 
  5. Uminom ng maraming fluid o tubig

Sanhi Ng Dyspepsia
  1. Mabilis kumain at marami ang kinakain 
  2. Pagkain ng matataba at maaanghang na pagkain 
  3. Sobrang pag-inom ng inuming may alcohol at caffeine 
  4. Sobrang pag-inom ng inuming may soda at chocolate 
  5. Emotional trauma 
  6. Bato sa apdo 
  7. Gastritis o pamamaga sa loob ng tiyan 
  8. Infection na dahilan ng bacteria na H.pylori 
  9. Sobrang nerbiyos 
  10. Sorbang katabaan 
  11. Pancreatitis o pamamaga ng pancreas 
  12. Peptic ulcer 
  13. Paninigarilyo 
  14. Stomach ulcer 

Mga Sintomas Ng Dyspepsia

  1. Panghihina 
  2. Sakit ng tiyan 
  3. Pakiramdam na parang laging busog 
  4. Kabag 
  5. Pagpayat at walang ganang kumain 
  6. Pagsusuka 
  7. Pagkakaroon ng dugo sa dumi 
  8. Paninilaw ng balat at mata 
  9. Pananakit ng dibdib 
  10. Sakit ng dibdib hanggang sa panga ta batok 

Ang pagkain at pag-inom sa maling paraan at lifestyle change ay puwedeng maging dahilan ng dyspepsia. Kaya naman magkaroon ng balanced diet at healthy lifestyle para makaiwas sa sakit. Kumonsulta sa doktor kapag nakaramdan ng ganitong kondisyon. Siya ang best person na makapagbibigay sa iyo ng tamang gamot sa dyspepsia ayon sa mga sintomas na nararamdaman mo.

No comments