Lunas sa Maitim na Kili-Kili
Maraming dahilan ng pag-itim ng kili-kili.
1. Ang mga taong may diabetes ay puwedeng mangitim ang kili-kili. Gamutin ang diabetes para mabawasan ang pag-itim.
2. Puwede namana sa magulang. May mga tao na maitim ang kulay ng balat, kasama ang kili-kili.
3. Ang sobrang pag-kuskos ng kili-kili at paggamit ng nakaka-iritang deodorant ay puwedeng magpa-itim ng kili-kili.
4. Ang sobrang pag-bunot o pag-ahit ng buhok ng kili-kili ay puwede magdulot ng impeksyon at pigsa. Dahil dito, puwedeng mag-bukul-bukol ang kili-kili.
5. Huwag magsuot ng masikip na baro dahil magki-kiskis ang kili-kili sa baro. 6. Magpapayat din dahil kapag malaki ang ating braso, gagasgas at maiipit din ang balat ng kili-kili.
Ayon sa dermatologists, heto ang napatunayang paraan para pumuti ang kili-kili:
1. Puwede gumamit ng “gentle cleanser” at tuwalya at dahan-dahang kuskusin ang kili-kili. Dahan-dahan lang para matanggal ang “dead skin cells” o matigas na balat. Huwag sosobrahan ang pag-kuskos at baka lalo umitim ang kili-kili.
2. Puwede gumamit ng moisturizer at oils para lumambot and balat.
3. Ayon sa dermatologists, puwede naman ang honey bilang panlinis. Ngunit mag-iingat sa paggamit ng kalamansi at lemon, dahil puwede ito makasugat sa balat kapag nasobrahan.
4. May nire-reseta ang doktor na cream, ang tawag ay tretinoin (Retin-A) na puwedeng magpa-puti ng balat. Kumonsulta sa doktor.
5. Sa mga department store, puwede bumili ng alcohol-free deodorant.
May mga home remedies na posibleng makatulong, pero hindi pa ito tiyak:
1. Baking soda – Ihalo ang baking soda sa konting tubig. Ipahid ito sa kili-kili para bahagyang matanggal ang dead skin cells.
2. Pipino – Pigain ang katas ng pipino at ilagay ito sa kili-kili. Iwan ng 30 minutos.
3. Lemon o kalamansi – Ihalo ang katas nito sa 2 kutsara ng tubig para mabawasan ang pagiging matapang o acidic nito. Iwan ang katas ng 10-15 minuto at hugasan ito. Gawin ng 2 beses bawat linggo.
4. Coconut oil – May taglay na vitamin E ang coconut oil. I-masahe ang coconut oil sa kili-kili. Iwan ng 10-15 minuto. Hugasan ng tubig at mild soap. Gawin 2 beses sa maghapon.
Tandaan: Ang mga lunas na ito ay hindi 100% epektibo. Maghihintay pa ng mga 6 linggo bago magkaroon ng konting pagbabago.
Kumonsulta sa dermatologist para sa inyong katanungan.
Isinulat ni: Dr Willie T. Ong
No comments