Breaking News

Hyperthyroidism Alamin: Dulot ay Goiter, Palpiyasyon at iba pa

Ang hyperthyroidism ay dulot ng labis na thyroid hormones o thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3). Tumutulong ang mga hormones na ito sa iba't ibang proseso ng katawan tulad ng brain development at digestion.



Ang mga may Hyperthyroidism ay may mabibilis na pag-iisip, ngunit mabilis din silang mairita o magalit. Bukod dito, mabilis din ang tibok ng kanilang puso at metabolismo na maaaring makapagdulot ng panginginig ng mga kamay.


Madali silang pumayat, pawisan, mapagod, at hingalin. May iregularidad din sa buwanang dalaw ang kababaihan na may hyperthyroidism.


Maaaring bigyan ng gamot ang pasyente na magpapababa ng antas ng thyroid hormone. Maaari ring tanggalin ang thyroid gland sa pamamagitan ng operasyon kung malaki na ang goiter at may bukol na maaaring cancerous.


Panooring ang video.



Posted in Youtube



1. Sintomas ng Hyperthyroid: May Goiter, makabog ang dibdib, namamayat at pinapawisan.


2. Magpasuri sa doktor at i-check ang T3, T4… More at TSH. Kapag mataas ang T3 at T4, ay 

hyperthyroid ka.


3. Kailangan gamutin ang hyperthyroid dahil puwede ito magdulot sa heart failure at pagkamatay.


Panooring ang video para sa mas mainam na pagpapaliwanag


Ang Gamutan


Magpasuri sa Endocrinonlogist


1. Maaring bigyan ng Medicine


2. Maaring bigyan ng Radioactive Iodine


3. Maaring Surgery Operation


Isinulat ni: Dr. Willie Ong

No comments