Breaking News

Atake sa Puso

Ang atake sa puso (Ingles: heart attack; medical: myocardial infarction) ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, maging sa Pilipinas. Ang sanhi nito ay ang kakulangan ng suplay dugo sa puso, na siyang nagdudulot sa pagkamatay ng laman (muscles) sa puso. Kapag malaking bahagi ng puso ang naapektuhan ng atake sa puso, maaaring bumigay na ng tuluyan ang puso at ito ay pwedeng maging sanhi ng pagkamatay. Ang ilang salik na makapagpapataas ng posibilidad ng atake sa puso ay ang sumusunod:


ANO ANG MGA SINTOMAS NG ATAKE SA PUSO?

  • Mabigat o masakit na pakiramdam sa dibdib
  • Gumagapang ang pananakit sa leeg, braso at batok.
  • Pagpapawis, pagsusuka, at pagkahilo
  • Panghihina at hirap sa paghinga
  • Iregular o mabilis na pagtibok ng puso
  • Panlalamig ng katawan
  • Pakiramdam na parang nasasakal
Ang mga sintomas na nabangit ay maaring maramdamn at tumagal ng 30 minuto o higit pa.


PAANO MALAMAN KUNG MAY ATAKE SA PUSO?

Ang cardiologist, o spesyalista sa puso, ay may ilang instrumentong ginagamit at pagsusuring isinasagawa upang malaman kung mayroong atake sa puso. Ito ay ang sumusunod:

  • ECG o Electrocardiogram. Binabasa nito ang lawak ng pinsala sa kalamnan ng puso at kung saan mismo ito naganap.
  • Blood tests. May pagsusuring isinasagawa sa dugo kung saan minomonitor ang mga lebel ng enzymes sa dugo. Ang ilang pagbabago sa lebel ng enzymes sa dugo ang makapagsasabi kung may naganap na atake sa puso.
  • Echocardiography. Binabasa ng instrumentong ito kung nasa normal ang pagtibok ng puso. Malalaman nito kung aling bahagi ng puso ang hindi gumagana ng maayos.
  • Cardiac Catheterization o Cardiac Cath. Ginagamit ito sa simula pa lang ng atake sa puso upang makita kung saan at alin mismong bagi ng puso ang may problema. Makatutulong din ito sa mga doktor upang malaman kung anong hakbang ang dapat gawin sa pag-gamot sa baradong ugat sa puso.

PAANO MAKAKAIWAS SA ATAKE SA PUSO?

  1. Magpatingin ng regular sa doktor - Ito ay upang malaman ang kalagayan ng iyong puso, at makapagbigay ng gamot kung kailangan. Kung may ibinigay na gamot, ito'y inumin ng tapat at regular.
  2. Mag-ehersisyo ng regular pero huwag pilitin ang sarili. Ang uri ng ehersisyo ay nakadepende sa estado ng inyong puso, kaya makipag-ugnayan sa inyong doktor kung ano ang pinakamagandang uri ng ehersisyo.
  3. Iwasan ang matatabang pagkain - Ang kolesterol ay siyang nagbabara sa mga ugat ng puso, at ito ang siyang maaaring maging sanhi ng heart attack.
  4. Kung may high blood, siguraduhing kontrolado ang inyong BP sa pag-inom ng wastong gamot at pag-iwas sa maaalat at matatabang pagkain. Regular na i-monitor ang BP upang masubaybayan ang pagbabago ng inyong karamdaman.
  5. Kung may diabetes, maging mas maingat. Maaaring hindi maramdaman ng mga may diabetes ang pagsikip at pagbigat sa dibdib na nagsisilbing babala sa atake ng puso.
  6. Iwasan ang paninigarilyo at paglalasing! Ang dalawang bisyong ito ay napatunayang may kaugnayan sa sakit sa puso. Sa mga matagal nang naninigarilyo at umiinom ng alak, huwag idahilan na "huli na ang lahat"! Bawat araw na ikaw ay tumigil sa pagyoyosi o pag-inom ay may benepisyo sa iyong kalusugan.
  7. Huwag ma-stress! Ang "stress" o pag-aalala ay maaaring maging sanhi rin ng atake sa puso, kaya subukang iwasang mag-isip ng mga hindi kanais-nais na bagay. Huwag maging balisa o mapag-alala. Ang pagiging masayahin ay para naring gamot laban sa atake sa puso.
  8. Huwag basta basta maniwala sa mga "gamot sa puso" o "supplements para sa puso", lalo na kung ito ay ihahalili sa mga bagay na napatunayan nang epektibo. Walang makakatalo sa matagal nang payo: mag-ehersisyo at kumain ng wasto.

ANO ANG GAMOT SA ATAKE SA PUSO?

Kapag naramdaman ang mga nabanggit na sintomas, kaagad tumigil sa ginagawa, magpahinga, at magmadaling magpunta sa ospital upang masuri at mabigyan ng kaukulang gamot. Kung dati nang nagbanta ang atake sa puso, ihanda at inumin o ibabad sa ilalim ng dila ang gamot na naka-reseta para sa sakit sa dibdib (ito'y maaari lamang ireseta ng doktor kung napatunayan na ikaw ay may sakit sa puso).



No comments