Alam mo bang napakasustansiya ng Malunggay?
Nag-post: Marjun Gugulan
Isinulat nila: Dr. Willie OngBy: Marjun Gugulan
Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa gulay ng malunggay, marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay.
Photo by foryourinfopips |
Very healthy ang malunggay at madali lang itanim. Ang sabi nga ng mga negosyante ay baka malunggay ang magpalakas ng ekonomiya ng Pilipinas. Alamin natin ang galing ng malunggay.
Madaming Bitamina
Ang dahon ng malunggay ay punong-puno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo.
Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.
Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang bata na kumain nito.
Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.
At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.
Para sa Maysakit
1. Pampalakas ng katawan - Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.
2. Pampadami ng gatas ng ina - Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.
3. Para sa constipated - Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-normal ng iyong pagdudumi.
4. Itapal sa sugat - Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na malunggay leaves sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.
Marami pang galing na tinatago ang malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran
No comments