Breaking News

Nakaka-Ulcer ba ang Pagkain ng maaanghang na Pagkain?


Nag-post: Marjun Gugulan
Isinulat ni: Dr. Willie Ong



Hindi po totoo and paniniwalang ang pagkain ng maanhang ay nakakapagdulot ng Ulcer. Marami sa atin ang mahilig sa mga maaanghang na pagkain. Ang iba nga ay kinakain pa ang buong sili kapag kumakain. Magandang balita para sa mga spicy food lovers dahil hindi totoong nagdudulot ito ng ulcers sa ating bituka. Karamihan sa mga ulcers o sugat sa bituka ay dahil sa impeksyon mula sa bacteria na Helicobacter pylori.






Pwede ding dahil sa mga gamot na iniinom natin tulad ng aspirin, ibuprofen o naproxen dahil may side effect sila na nagdudulot ng ulcer sa bituka.


Ang mga pagkain na maaanghang ay hindi nagdudulot ng ulcer pero kung meron ka ng ulcer, maaaring sumakit ang ulcer mo kapag kumain ka ng spicy food.

No comments