Breaking News

Benipisyo ng Prutas na Peras



Madalas nating nakikita ang peras sa palengke. Masarap ito at napakalutong. Marami rin itong benepisyo na naidudulot sa ating katawan.


1. Nakakatulong maiwasan ang mga sakit sa puso. Mayaman ang peras sa fiber na mahalaga sa pagcontrol ng ating katawan sa mga cholesterol na maaring mag build-up at magsanhi ng iba't-ibang sakit sa puso.


2. Nakakatulong makapagpalakas ng ating resistensya. Mayaman sa vitamin C ang pera na isang napakabisang anti-oxidant para sa ating katawan. Mahalaga ang vitamin C sa paglaban sa iba't-ibang uri ng sakit na maaring dumapo sa ating katawan.



3. Nagbibigay sa atin ng lakas. Kung ikaw ay pagod at kulang sa enerhiya, maaaring i consider ang pagkain ng peras dahil sa high glucose content nito na ikinoconvert ng ating katawan bilang enrgy na nagagamit natin sa ating mga ginagawa.


4. Nakakatulong upang maging regular ang pagdumi. Mayaman din ang peras sa dietary fiber na kailangan ng ating katawan upang mabadali ang paglalabas nito ng dumi.



5. Panlaban sa stomach cancer. Ang phytonutrients na matatagpuan sa peras ay napagalamang may kinalaman sa pagpigil sa pagkakaroon ng stomach cancer.


Isinulat ni: Dr. Willie Ong at ng Nutrisyon Pinoy

No comments