Breaking News

Ano Ang Solusyon? Body Odor Alamin!




May kilala ba kayong may body odor o yung may amoy ang katawan? Ang mabahong amoy ay nagmumula sa naghalong pawis at bacteria sa katawan. Ngunit huwag mag-alala dahil mayroon tayong mga tips para matanggal ito:


1. Maligo araw-araw. Sabunin at kuskusin ang buong katawan, lalo na ang mga lugar na madalas mangamoy.

2. Hugasan ang kili-kili, singit at paa ng 2 beses sa isang araw. Ibang klase ang pawis na lumalabas sa mga lugar na ito dahil mas maamoy kaysa sa ibang lugar.

3. Gumamit ng sabon. Pumili ng sabon na babagay sa iyo. Puwedeng subukan ang mga anti-bacterial na sabon. 

4. Maglagay ng kontra sa pawis o antiperspirants sa kili-kili. Puwede ang tawas, roll-on, baking soda, at iba pa. Hanapin kung ano ang mas epektibo para sa iyo. 

5. Subukan ang alkohol sa kili-kili at paa. Kapag napatay ang mikrobyo, mababawasan din ang amoy.





6. Umiwas sa pagkaing spicy at maaanghang. Umiwas din sa mga bawang, sibuyas, curry at maamoy na isda. Alam ba ninyo na ang mga pagkaing ito ay lumalabas din sa ating pawis? Kung mahilig ka sa sawsawang sili, suka, patis at bagoong, baka mangamoy suka ka rin. 

7. Uminom ng 8-12 basong tubig, para luminis ang iyong katawan. 

8. Magsuot ng cotton at linen na baro, pantalon at underwear. Mas mabilis matuyo ang pawis sa cotton at linen na tela. Umiwas sa mga nylon na baro. Mas mainam din kung maluwag ang kasuotan. 

9. Labhan maigi ang mga baro. Magpalit ng baro at medyas araw-araw. Kapag mabango ang iyong baro, mas hindi ka mangangamoy. Huwag ulit-ulitin ang baro. 

10. Huwag masyado magpapawis. Kung alam mong may meeting ka sa hapon ay huwag nang mag-ehersisyo o dumako sa maiiinit na lugar sa umaga. Kapag pinawisan ka ay mangangamoy na. Magbaon ng extrang baro at medyas. 

11. Magrelaks lang, Kapag kinakabahan ka, lalo kang papawisan. 

12. Magpakonsulta sa doktor kapag may body odor pa rin. May mga espesyal na deodorant na binibigay ang mga doktor. Kailangan din masuri ng doktor kung may iba kang sakit tulad ng goiter, nerbiyos o talagang mapawisin ka lang. 

Isinulat ni: Doc Willie Ong

No comments