Nakakasama ba ang monggo, okra at sitaw sa Gout?
Nag-post: Marjun Gugulan
Isinulat ni: Dr. Willie Ong
Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, bukung-bukong (ankle) at tuhod.
Para malaman kung gouty arthritis ang sakit, kailangang suriin ang uric acid sa isang blood test. Kapag mataas ang iyong uric acid sa dugo, puwede itong magbuo at pumunta sa iyong kasu-kasuan (joints). Sobrang sakit ang pakiramdam sa gout.
Heto ang payo:
1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang katawan, mas nagbubuo ang uric acid sa joints na sumasakit sa gout.
2. May tulong ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa gout. Ito ay dahil mas naaalis ang uric acid crystals sa katawan.
3. Ang alak, karne at lamanloob ang nagpapalala ng gout. Masama rin sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.
4. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas madaling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.
5. Ang bawal sa gout ay ang animal protein tulad ng karne at lamanloob.
Ano ang gamutan?
1. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat para sa gout.
2. Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay kami ng Colchicine tablets, 4 na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid din para sa kirot.
Magpa-check-up sa inyong doktor.
SA artikulong ito, na-interview ko si Doc Ging Zamora-Racaza, isang magaling na rheumatologist sa UP-PGH.
No comments