Breaking News

MGA PAGKAING MAYAMAN SA CALCIUM AT MGA BENEPISYO NITO

Ang Calcium ay isang mahalagang mineral na kinakilangan ng katawan sapagkat ito ang responsable sa pagpapanatiling matibay ng mga buto at ngipin. Tumutulong din ito sa maayos na paggana ng puso, nerves, pati na sa proseso ng blood-clotting. Mahalaga ang calcium lalo na sa mga taong apektado ng mga sakit na tulad ng osteoporosis o ang pagrupok ng mga buto, at rickets o ang paglambot ng buto.


GAANO KARAMING CALCIUM ANG KINAKAILANGAN NG KATAWAN ARAW-ARAW?


Ang aprubadong dami ng Calcium na kinakailangan ng taong may sapat na gulang sa bawat araw ay 1000 mg o isang gramo. Ngunit ito ay maaaring magbago depende edad at kondisyon ng katawan. Halimbawa, sa mga batang nasa edad na 9-13 taon, kung kailan lumalaki at tumatangkad ang pangangatawan, 1300mg ang rekomendadong dami ng Calcium. Sa mga matatanda naman na karaniwang nakakaranas ng osteoporosis, 1200mg ang rekomendado.


ANONG MAAARING MANGYARI KUNG SUMOBRA SA CALCIUM?


Ang isang taong may sapat na gulang ay maaari lamang kumonsumo ng hanggang 2500mg na calcium. Anumang sobra dito ay maaaring may hindi magandang maidulot. Maaring magkaroon ng constipation o matigas na pagtae, pakiramdam na mabigat sa tiyan o bloated. Nakasasama rin ang calcium sa mga taong may kondisyon na hypercalcemia o ang pagkakaroon ng sobrang calcium sa dugo. Tinuturo din na nakapagpapataas ng posibilidad ng atake sa puso ang sobrang calcium.


ANONG MAAARING MANGYARI KAPAG KULANG SA CALCIUM?


Ang kakulangan ng Calcium sa katawan ay maaaring magdulot ng panginginig at pamamanhid ng mga daliri, pamumulikat, kombulsyon at abnormal na ritmo ng puso. Kung mapapabayaan, nakamamatay ang kakulangan sa calcium. Maaari din magdulot ng osteoporosis o pagrupok ng buto kung tumagal ang kakulangan ng calcium.


10 PAGKAIN NA MAYAMAN SA CALCIUM


1. Gatas. Alam ng karamihan na gatas ang pangunahin pinagmumulan calcium. Ang isang tasa ng gatas ay maaaring maglaman ng hanggang 250 mg na Calcium.


2. Berde at Madahong Gulay. Mayaman din sa calcium nag mga berde at madadahong gulay gaya ng kale at arugula. Ang isang kainan ay mayroong 100mg na calcium


3. Salmon. Ang isdang salmon ay nagtataglay ng hanggang 180mg na Calcium sa isang kainan.


4. Tokwa. Ang tokwa na nakukuha mula sa prinosesong soy beans ay makukunan din ng calcium. Ang kalahating tasa ng tokwa ay mayroong 253mg na calcium.


5. Yogurt. Ang gatas na pinroseso ay maaring maglaman ng 415mg na calcium.


6. Keso. Isa ring produkto na maaring makuha sa pinrosesong gatas ay ang keso. Maaaring makakuha ng hanggang 330mg na calcium mula dito.


7. Broccoli. Bukod sa mga bitaminang taglay ng gulay na ito, mayroon din itong calcium. Umaabot sa 21mg na calcium ang kalahating tasa nito.


8. Soymilk. Ang gatas na nakukuha mula sa soy ay nakukunan din ng calcium. Makakakuha ng hanggang 300mg na calcium mula dito.


9. Almonds. Ang 30g ng almonds na kilalang mani na hinahalo sa mga kinakaing tsokolate ay mayroong 75mg ng calcium


10. Sardinas. Ang sardinas na nakababad sa mantika na nabibili sa mga pamilihan ay naglalaman ng halos 250mg na calcium

source: kalusugan.ph

1 comment:

  1. salamat sa mga inpormasyon at nagkaroon ako ng kaalaman sa mga pagkaing mayaman sa calcium.

    ReplyDelete