BENIPISYO NG GOOD BACTERIA SA TIYAN
Ang daluyan ng pagkain partikular ang tiyan at mga bituka ay esensyal proseso ng pagtunaw ng mga pagkain at pagsipsip sa mga mahahalagang sustansya na kailangan ng katawan. Kaya naman mahalaga na mapangalagaan ang mga bahaging ito. At isa sa mga epektibong paraan ng pangangalaga sa kalusugan ng tiyan at bituka ay ang pagmementena sa tamang balanse ng mga good bacteria sa loob nito.
ANO ANG MGA GOOD BACTERIA SA TIYAN?
Ang tiyan ng bawat tao ay pinamumugaran ng iba’t ibang uri ng mga maliliit na bacteria. Ang iba dito’y nakakasama at maaaring magdulot ng karamdaman kung mapapabayaan, habang ang iba naman ay nakatutulong mismo sa tiyan. Ang mga bacteria na nakakatulong sa tiyan ang siyang tintukoy na mga good bacteria.
ANO ANG BENEPISYO NG GOOD BACTERIA SA TIYAN?
Ang mga good bacteria sa tiyan ay nakatutulong sa ilang mga paraan. Isa na ang tulong nito sa metabolismo ng ilang mga sustansya na nakuha mula sa mga pagkaing dumadaan sa daluyan. Isa pang naitutulong ng good bacteria sa kalusugan ay ang pakikipaglaban nito sa mga bad bacteria. Mas madali ring natutunaw ang mga pagkain sa tulong ng mga bacteria na ito.
PAANO MAPAPANATILI ANG GOOD BACTERIA SA TIYAN?
Sa kasamaang palad, ang mga good bacteria sa tiyan ay kasama ring napupuksa kapag umiinom ng gamot na antibiotic. Nababawasan din ang bilang ng mga good bacteria kapag kumakain ng mga pagkaing naproseso o na-refine, o kaya mga pagkaing sobrang matamis o mataas ang starch. Buti na lamang, may ilang mga paraan para mapanatili ang balanse ng good bacteria sa tiyan.
1. Bawasan ang pagkain ng mga matatamis at may starch. Nawawala ang balanse ng mga bacteria sa tiyan kung kung sobra ang asukal sa mga kinakain. Ang asukal mula sa mga matatamis na pagkain ang nakakapagparami sa bilang ng mga bad bacteria. Alamin ang masasamang epekto ng sobrang asukal sa mga pagkain.
2. Panatilihing balanse ang kinakain. Kumain ng karne, isda, at mga gulay sapagkat ito naman ang kinakain ng mga good bacteria. Alamin ang kahalagahan ng balanseng pagkain sa araw-araw.
3. Kumain ng mga fermented food. Ang mga fermented food gaya ng kimchi, yogurt, cheese, at iba pa ay nakapagpapalakas at nakakapagparami sa bilang ng mga good bacteria sa tiyan.
4. Limitahan ang pag-inom ng mga gamot na antibiotic. Tulad nga ng naunang nabanggit, kasamang napupuksa ang mga good bacteria sa pag-inom ng mga gamot na antibiotic. Hanggat maaari, iwasang gumamit ng matatapang na gamot laban sa impeksyon. Bigyang pansin ang mga alternatibo at natural na paraan ng paggagamot kung mayroon.
5. Uminom ng mga sabaw o pinaglagaan. Ang sabaw mula sa pinaglagaan ng mga buto at laman ay nakatutulong sa paghilom ng mga lining ng sikmura at pagpapalakas sa mga good bacteria.
6. Uminom ng mga Probiotic Supplement. Ikonsidera ang pag-inom sa mga inumin na may probiotics (Yakult, Yoghurt) lalo na kung kakagaling pa lang sa matinding gamutan. Taglay ng mga supplement na ito ang buhay na good bacteria na kailangan ng tiyan.
source: kalusugan.ph
No comments