Breaking News

Paraan ng Tamang Pagpapapayat


Nag-post: Marjun Gugulan
Isinulat ni: Dr. Willie Ong

Tuwing bagong taon mayroon tayong New Year’s Resolution. Siguradong marami sa atin ay tataas ang kolesterol at timbang ngayong bagong taon. Pero huwag mag-alala, kaibigan, magbibigay kami ng mga special tips para mabawasan ang inyong timbang.

Pinterest

1. Sa mga nanay, sa palengke pa lamang piliin ang mga karne na konti lang ang taba. Ihiwalay ang taba sa laman bago pa ito iluto.



2. Mas healthy ang pag-ihaw at pag-steam ng pagkain kaysa sa laging pag-prito sa mantika. Puwede mag-ihaw ng karne o mag-steam ng mga gulay tulad ng talong, okra at talbos. Kung gusto ng healthy na sawsawan sa gulay, subukan ang suka, na nakapapayat pa.


3. Sa paggamit naman ng mantika, konti lang ang ilagay. Tandaan natin na may calories ang mantika at puwede itong magpataas ng inyong kolesterol.


4. Sa pagtimpla ng pagkain, hinay-hinay lang sa paglagay ng asin. Ang asin ang kalaban ng mga may altapresyon at may sakit sa puso. Kapag sobra ka sa asin puwede kang mag-high blood at magmamanas pa ang inyong paa.


5. Kapag naghahanda ng pagkain, bumili nitong maliit na plato. Ito iyung 9 inches na plato at huwag bumili ng 12 inches. Kailangan masanay ang ating pag-iisip na konti lang ang iyong isasandok na pagkain.


6. At kung ano ang inilagay mo sa plato, iyon lang ang kainin. Bawal ang dukut-dukot o second serving. Mga nanay, huwag piloting ubusin ang tirang pagkain. Tataba kayo niyan.


7. Bago mag-umpisa kumain, puwede ka munang uminom ng 1 basong tubig para mabusog ka ng kaunti. Puwede ding uminom ng clear soup. Kapag umiinom tayo ng mga likido, medyo nakukumbimsi natin ang ating utak na nabubusog na tayo.



8. Magbawas sa pagkain ng kanin. Kung dati at 2 cups ng kanin ang kinakain, gawin na lang 1 cup rice.


9. Huling payo. Dahan-dahanin lang ang pagpapapayat. Huwag gutumin ang sarili. Kumain ng pakonti-konti sa buong araw, tulad ng mansanas, saging o pandesal, para laging may lamang ang inyong tiyan.

No comments