Breaking News

Payo ukol sa Pag-inom ng Tubig habang Kumakain





Karamihan sa atin ay sanay kumain ng may nakaambang tubig, juice o iba pang inumin sa habang kumakain. Ito ay taman ngunit meron pla itong di maganda epekto sa ating tiyan.

Ayon sa siyensya, na sa halip na makatulong ang pag-inom habang kumakain ay nagdudulot pa pala ito ng iba't-ibang uri ng sakit sa ating katawan. Dahil sa tuwing kakain tayo, ang ating tiyan ay nagrerelease ng 'Digestive Enzyme' na tumutulong tumunaw ng ating kinain at ng maabsorb ng ating katawan. Ngunit kapag ito ay nahaluan ng inumin ay bumababa ang concentration nito at siyang nagiging dahilan kung bakit may mga pagkakataon na nahihirapan tayong tunawin ang ating kinain, o kaya naman ay nagdudulot ng pagka 'bloated' na pakiramdam mo pagkatapos kumain. Nagiging sanhi rin ito ng acid reflux na tinatawag. Ang isa pang hindi magandang epekto nito sa ating kalusugan, imbes na maabsorb ng maayos ng ating sistema ang mga "nutrients" na taglay ng ating kinain ay nahahadlangan ito dahil sa ating ininom. Imbes kasi na purong digestive enzyme ang laman ng sikmura mo upang tunawin ang pagkain ay nahaluan na ito ng tubig at hindi na sya puro kaya ang epekto ng enzyme para tumunaw ng pagkain ay nababawasan.

Isa pang paraan upang mapaganda natin ang pag gana ng ating digestive system, dapat sa pagkain natin, ano man ang kinakain natin, i-enjoy natin ito. Nguyain mo ng mainam ang pagkain at huwag lang basta mong lulunukin. Akala kasi ng iba, mas mainam kung mabilis kang kumain. Mali. Dapat maglaan ka ng tamang oras kung nais mong kumain upang masiguro mong maayos ang magiging resulta ng iyong pagkain.

Ayos lang naman uminom ng tubig kapag mahihirinan, pero kung hindi naman at least after 30 minutes bago o pagkatapos mong kumain.Iwasan din ang pag-inom ng malamig na tubig dahil nakapagdudulot ito ng tinatawag na Pagkagulat o Shock sa ating digestive system.

Ang pag-inom sa tamang oras at pagkakataon ang isa sa mga paraan upang magkaroon tayo ng malakas at malusog na pangangatawan.
At huwag kalimutan humingi  ng pasalamat sa itaas sa pagkain iyong kakainin.


No comments