SAKIT NA BEKE
ANO ANG BEKE O MUMPS?
Ang beke o mumps ay isang nakahahawang sakit na dulot ng impeksyon ng mumps virus na nakaaapekto salivary glands o glandula ng laway ng tao. Dahil sa impeksyon na ito, nagkakaroon ng pamamaga, pangingirot, at implamasyon sa bahagi ng tagiliran ng panga hanggang sa likod ng tenga. Gaya ng karamihan ng mga sakit na dulot ng impeksyon ng virus, ang beke ay kusang gumagaling makalipas ang ilang araw. Ito ay karaniwang nararanasan ng mga kabataan sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Sanhi ng Beke
Ang virus na nagdudulot ng beke ay maaaring makuha mula sa talsik ng laway mula sa bahing o ubo ng taong may sakit. Kapag ito'y dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya'y maaaring mahawa ng beke. Maaari din itong makuha kung sakaling uminom o kumain sa pinagkainan o ininuman ng taong apektado ng sakit.
Dulot neto sa Katawan
Bagaman hindi ito tinuturing na seryosong karamdaman at gumagaling naman ng kusa matapos ang 10 araw ng pagkakasakit, minsan, ang beke ay maaaring mag-dulot ng ilang komplikasyon na makaaapekto sa utak, testes ng lalaki, obaryo ng babae, at lapay o pancreas.
No comments