Breaking News

ALAMIN! 10 SAKIT NA IKINAMAMATAY NG MGA PILIPINO





Heto ang 10 pangunahing sakit na ikinamamatay ng Pilipino, ayon sa Dept. of Health noon pang 2007:

1. Heart attack at sakit sa puso. Sama-sama na rito ang abnormal na pagtibok at pagbukas-sara ng heart valve, high blood pressure, namamana man o dahil sa impeksiyon o masamang pamumuhay.

2. Stroke at sakit sa ugat. Kaakibat ito ng una. Sama-sama na ang baradong ugat, atherosclerosis, Buerger’s Disease, embolism, thrombosis na nakukuha sa maaalat at malalangis na pagkain.

3. Cancer sa baga, suso, cervix, atay, colon, rectum, prostate, tiyan at dugo. Pangunahin ang sa baga dahil sa sigarilyo at maduming hangin. Kokonti ang nakaka­lusot dahil kadalasan malala na kung matuklasan.

4. Aksidente. Sa bahay o kalsada, trabaho o kasiya­han, sakuna o hindi, nakakamatay ito dahil sa kapa­bayaan at kawalan ng paghahanda.

5. Pulmonya. Miski marami nang antibiotics, laganap pa rin ito. Kadalasa’y komplikasyon ito ng ibang pabalik-balik na sakit.

6. Tuberculosis. Masakit na biro na hindi ka raw Pilipino kung wala kang TB; ikinamamatay ng 75 sa atin araw-araw, pinaka-malala sa mundo.

7. Abnormalidad, sintomas at lab results na hindi napa­liwanag. Bahagi na nito ang mga pamahiin at maling diagnosis ng mga doktor.

8. Sakit sa baga. Halos lahat ito ay sanhi ng pani­nigarilyo: Emphysema, chronic bronchitis, at chro­nic obstructive pulmonary disease.

9. Diabetes. Hindi lang sa sobrang pagkain ng matatamis, kundi pati carbo­hydrates (kanin, tinapay, pasta, pansit, patatas) at walang workout. Nadadamay pati ngi­pin, mata, at iba pang organs­.

10. Komplikasyon sa pagbu­buntis. Di bababa sa 22 sanggol sa bawat 1,000 isinilang ang namamatay sa prematurity, paninilaw (jaundice), sepsis, pagka­sakal sa umbilical cord, diarrhea at abnormal na organs­.


Isinulat ni: Jarius Bondoc

No comments