IMPORMASYON UKOL SA SORE EYES
Ang sore eyes ay impeksyon sa mata na nagdudulot nang pamumula, pagluluha o pagmumuta ng mga mata. Labis itong nakakahawa, Kapag nahawakan mo ang mga bagay na kontaminado ng luha mula sa mata ng isang taong may sore eyes, pwede kang mahawa mula dito.
May pagkakataon din na kapag hindi masyadong nalinis o walang chlorine ang tubig sa swimming pool at may lumangoy na may sore eyes dito, maaaring pagmulan din ito ng sore eyes.
Para maiwasan ang pagkahawa mula dito, laging hugasan ang mga kamay ng tubig at sabon, huwag makipagkamay sa mga taong may sore eyes, huwag gamitin ang tuwalya, make up o salamin ng taong may sore eyes.
Panoorin ang video para sa karagdagang impormasyon ukol sa sore eyes.
No comments