MGA PARAAN NG PANGANGALAGA SA TAONG MAY DIABETES
Ang pagkontrol sa mga pagkain na kinakain sa araw-araw na sinasabayan pa ng regular at tamang pag-eehersisyo at pag-inom ng mga gamot ang pinakaepektibong paraan ng pangangalaga at pagmementena sa kalusugan ng taong may sakit na diabetes. Dapat itong isaalang-alang nang sa gayon ay maiwasan ang mga hindi kanais-nais na epekto at komplikasyon na dulot ng sakit. Ang sumusunod na mga tips ay makatutulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng taong may diabetes.
1. Kumain lagi nang regular sa oras.
Ang sobrang pagtaas o sobrang pagbaba ng lebel ng asukal sa dugo na karaniwang nararanasan kung may sakit na diabetes ay maaaring maiwasan kung kakain nang regular sa oras. Halimbawa, ang oras ng almusal ay panatilihing nakapako sa alas-7 ng umaga sa bawat araw, ang tanghalian sa ay sa tanghaling tapat, at ang pagkain sa hapunan ay ipako naman sa alas-7 ng gabi sa bawat araw.
2. Palitan ang mga simpleng carbohydrates ng mga komplikadong carbohydrates.
Ang mga pagkaing may simpleng uri ng carbohydrates gaya ng asukal, kanin, at tinapay, ay maiging mapalitan ng mga pagkaing may komplikadong uri ng carbohydrates gaya ng oats, pasta, whole-grain na tinapay, kamote, at mais. Malaki ang maitutulong nito na maiwasan ang mabilis na pagtaas ng lebel ng asukal sa dugo.
3. Bawasan ang dami ng carbohydrates na kinakain.
Sapagkat ang carbohydrates ay isang komplikadong uri ng asukal, kung maaari, bawasan na ang dami ng kinakain na carbohydrates sa bawat araw. Bigyang pansin ang iba pang pagkain gaya ng mga gulay, puti ng itlog, at mga karne.
4. Dagdagan ng protina, fiber at omega 3 fats ang mga kinakain.
Ang binabawas na carbohydrates sa pagkain ay makabubuting palitan ng mga pagkain na mayaman sa protina (manok, isda, puti ng itlog, gatas), fiber (gulay at prutas) at omega 3 fats (isda at mga mani). Ang mga ito ay makatutulong na pabilisin ang metabolismo at mabawasan ang hindi kinakainlangang taba sa katawan, na nagreresulta naman sa mas mabilis na pagkontrol sa lebel ng asukal sa katawan.
5. Mag-ehersisyo araw-araw.
Mas magiging epektibo pagkontrol sa mga kinakain kung masasabayan ito ng regular na pag-eehersisyo. Ang paglalakad nang 45 minuto sa bawat araw ay sapat na para mamentena ang lebel ng asukal sa dugo, at mabawasan ang mga taba sa katawan.
6. Regular na pagbabantay sa dami ng asukal sa mga kinakain.
Siyempre pa, mahalaga na mabantayan nang husto ang dami ng asukal na pinapasok sa katawan. Alamin at bilangin kung gaano karami ang taglay na asukal ng bawat pagkaing kinakain. Sa tulong nito, mas madaling malilimitahan ang pagtaas ng lebel ng asukal sa dugo.
7. Tiyakin na nasa tama lamang ang timbang.
Isa rin sa mga pinaka-epektibong paraan ng pagmementena sa sakit na diabetes ay ang pagpapanatili ng tamang timbang. Mas mahirap makontrol at malunasan ang sakit kung ang timbang ay sobra o obese.
8. Iwasan na ang matatamis na inumin at pagkain.
Ang mga pagkain at inuming sobrang matatamis gaya ng mga softdrinks, cake, at iba pang matatamis na mga panghimagas ay iwasan na.
9. Huwag manigarilyo.
Ang mga taong naninigarilyo ay mas mataas ng 50 porsento sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit na diabetes, kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Siyempre pa, mas magiging epektibo ang paggagamot at pagkontrol sa lebel ng asukal sa dugo kung ititigil na ang bisyo.
10. Umiwas sa stress.
Dapat ding iwasan ang stress upang mas epektibong makontrol ang sakit na diabetes. Ayon kasi sa ilang mga pag-aaral, malaki ang posibilidad na mapakain nang husto ang taong problemado o dumadanas ng stress. At ang resulta, mas nahihirapan na makontrol ang sakit na diabetes.

source: kalusugan.ph
No comments