Breaking News

EPEKTO NG PAGINOM NG SOFTDRINKS SA KATAWAN

BAWASAN ANG ICED TEA AT SOFT DRINKS




Kung kayo po ay sobra sa timbang, may diabetes, may altapresyon o gustong maging healthy, sundin ninyo ang payo ko: Umiwas sa iced tea, soft drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. Malaki ang mababawas sa timbang ninyo. 

Bakit masama ang soft drinks at iced tea?


Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kapag uminom kayo ng soft drinks, para ka na rin kumain ng 7 kutsaritang asukal! Ganoon din ang iced tea. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis!

Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng soft drinks ay puwedeng maging sanhi ng diabetes. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan.

Kahit “No-sugar” o “Zero” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. Dahil ang diet soft drinks ay may halong phosphorous na nagtatanggal ng calcium sa ating katawan. Puwede kang magka-osteoporosis. Ang payo ko ay mag-tubig na lang!

Umiwas sa energy¬ drinks.


Masama rin sa kalusu¬gan ang mga energy drinks dahil ma¬taas ito sa caffeine. Naka¬ka-addict ang caffeine at naka¬bi¬bilis pa ng tibok ng puso. Kung ika’y may alta-presyon, bawal ang energy drinks. Puwedeng tumaas ang blood pressure mo.
Kaya kaibigan, tubig lang ang dapat inumin.

Anong prutas ang pu¬wede sa mga nagpapa¬payat? 


Mansanas, peras at konting saging lang ang puwede. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil sobra itong tamis. Kung gusto ng mang¬ga, isang pisngi lang ang puwedeng kainin. Sa ubas ay 10 na pi¬raso lang ang pinaka¬marami.

Isinulat ni: Dr. Willie Ong

No comments