Breaking News

Uri at Sintomas ng Diabetes

Tatlong Uri ng Diabetes


Ang diabetes mellitus ay isang karamdaman kung saan ang katawan ay hindi makalikha ng sapat na insulin o kaya ay hindi makaresponde nang maayos dito. Ang insulin ay ang hormone na naglilipat ng asukal mula sa dugo papunta sa iba’t-ibang cells upang gawing enerhiya ng katawan. Ang sintomas ng diabetes ay hindi madaling mahalata dahil kadalasan ang mga ito ay napagkakamalang pangkaraniwang kondisyon.


Diabetes, Meter


Type I Diabetes: Ang pancreas o ang organ ng katawan na gumagawa ng insulin ay sira o kulang. Dahil dito, hindi natatanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at bato. Mas karaniwan ito sa mga nakababata, edad 20 pababa, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakatatanda.


Type II Diabetes: May kakayahan ang katawan na gumawa ng insulin ngunit ang dami ay hindi sapat o kaya naman ay hindi ito kayang gamitin ng katawan nang maayos (insulin resistance). Maaaring magkaroon ng malubhang komplikasyon ang Type II kung hindi ito maagapan. Karaniwan ang sakit sa mga nakatatanda, edad 40 pataas, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakababata.


Gestational Diabetes. Ang mga buntis na walang diabetes noon ngunit may mataas na blood sugar habang nagdadalang-tao ay tinatayang may gestational diabetes. Tumataas ang insulin resistance habang buntis ang pasyente. Dahil dito, hindi nakukuha ng katawan ang sapat na sustansya na kailangan para sa panganganak.


Mga Sintomas ng Diabetes:


1. Ang sintomas ng diabetes ay pagka-uhaw, ihi ng ihi sa gabi at paglabo ng mata.

2. Ang complication ay pagkasira ng… More kidney, pagka-bulag, at heart attack. 

3. Umiwas sa pag-inom ng soft drinks at iced tea. Mag-ehersisyo. 

4. Uminom ng gamot kung mataas ang lebel ng diabetes. PANOORIN ang Video: 




Video Credited to Dr. Willie Ong

No comments